1st unforgettable experience ko sa japan... Pati Date Tanda ko pa - SEPTEMBER 7, 2000 - Thursday. Pagkatapos umiyak ng sandamakmak na luha sa NAIA, excited at kinakabahan na ako sa pagdating sa japan.
Eto, di talaga makakalimutan, WALANG SUSUNDO sa akin mula sa Narita Airport! ahahah.. Syempre magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko.. pano kung maling tren ang sakyan ko? pano kung maling istasyon babaan ko? pano kung di ako makarating sa skul?? kowakatta yo!
Kailangan ko tawagan ang aking skul para inform sila na dumating na ako, at sunduin ako sa Shinjuku Stn (w/c btw, ang pinaka-busy at pinakamalaki na station sa Japan (or next to tokyo stn). doblehin mo ang laki ng Glorietta, baka malaki parin ang Shinjuku Stn. Hindi po ito Exaggerated.
So ang problema ko ay makarating mag-isa sa Shinjuku.. narealize ko na walang silbi ang 2 yrs na pag-aaral ko ng Jap sa pinas.. hirap na hirap ako magsalita at magtanong.
Humingi ako ng help na bumili ng Tel card para makatawag.. tapos eto pa, katangahan talaga, di ko alam gamitin ang Tel booth kasi in Nihongo! ahahaha... so i mustered the courage to ask another Japanese to actually CALL my school and look for blah blah person.. wahhaha.. KAKAHIYA! pero for survival's sake na ito.. buti na lang mabait sya at tinulungan ako.. siguro mukha talaga akong kaawa-awang bata ..sigur o yun din ang araw sa buhay ko na pinakamaraming beses ako nagtanog sa mga istranghero...
After ko matawagan ang skul, nagpunta ako sa stall ng Luggage delivery (Takkubin?) at pinadeliver ko yung 2 maleta ko.. eh kasi naman, ang bigat2, mag isa lang ako at walang sundo.. pano ko ibababa yun sa mga escelator ng mag-isa diba?? tapos sasakay pa ako ng tren mag isa din!
Then, train ride, mga 1:40mins to Tokyo proper.. Baba ako sa Shinjuku stn. Dahil sinabi ko na sa school kung ano ang seat# at Car # ko sa tren, nandun na agad yung susundo sa akin...hawak ang malaking 'WASEDA" na placard. At laking gulat ko.. as in SHOCKED talaga...

isa syang lalaking may girly shoulder bag na TRANSPARENT NEON ORANGE! alam nyo yung usong beach bag dito sa pinas na transparent? Ganun!! mejo maliit lang. Nakalimutan ko na ang pangalan nya... PERO ang kanyang bag, di ko malilimutan!
Noon ko narealize, WOWOW! Nasa JAPAN na nga ako!