Ikakasal na ang pinsan ko sa January and since wala talaga siyang wedding planner kami-kaming mga kamag-anak niya tumutulong sa preps. Well, sa side ng pamilya namin ako lang talaga ang may ginagawa.
Ang daming kailangan for the wedding, at kahit hindi ako ang bride, nakakawindang siya. Ito alng ilan sa mga kailangan pala:
1. Invitations -- syempre. tapos yung mga names ng invitees handwritten, hindi pwede computer. tapos may maps ng church at reception (ako bahala rito). Imagine, sa 120 invitations na ipapadala mo, isipin mo na lang na kada isang invitation may 2-3 tao. So halos 400 ang papakainin mo.
2. Missalette -- nasa loob ang marriage rites na included sa mass. mala-souv program siya, so ako gumagawa nito
3. Souvenirs -- syempre. wind chimes ang ipapamigay nila
4. DAMIT! -- ito ang inuna grabe, July pa lang sinukatan na kami. at mahal siya, since buong entourage mo ikaw magpapatahi (cheapest sa designer niya P15,000/gown pero since suki ang pamilya nila P10k na lang. gosh, yung bridal gown ewan ko lang kung magkano. pero yung ibang weddings bahala ka sa buhay mo sa gown mo db.)
5. cake -- di ko alam kung may cake na sila, pero malamang
6. reception -- usually sa hotels ginagawa, pero ang mahal! (sa Hyatt Regency Manila sila, and I heard around P1500/head ang food, potek)
7. seminar -- may seminar pala bago ikasal, nasa law. sabi ko nga malalaman ba ng pari kung nag-seminar ka o hindi, tapos yung pari pala magseseminar, ahahaha! o kaya yung officiating person
8. Wedding Rings -- muntik ko na makalimutan. Sabihin natin white gold ang singsing mo, 14carat, 5-6grams, plain ring lang. Minimum niyan P6k na, wala pang bato. (tita ko alahera e). So gagastos ka ng around P20k minimum for your rings, at mura na yan.
9. Church (o garden o beach o saan man) -- lintok, mahigit isang taon ka man magpareserve, chances are kung sa mga sikat na simbahan ka magpapakasal e reserved na siya for next year! O di ba. Sabi ko nga sana garden na lang, hehe, pero simbahan gusto ng pamilya namin. O kaya beach, ok yun swimming pa ang guests, woohoo! (pero baka mas mahal)
10. flowers, candles, make-up/hairstylist (kapag home service mura na ang P5000 for 3 people usually. or sa local bading sa kanto pwede na, if you're a risk taker), choir/band, cash for tips, bridal shower, stag party, photographer/video, avp, etc.
Syet. I think around a million ginagastos nila dahil 3x pa sila umuwi from the states this year. Pero average cost ng weddings today ay P300,000. Mura na raw yun.
Sa mga kailangan wedding planner, uy interested ako ha! Keri ko na ang invites, missalette, make-up/hairstylists, van service, flowers (sa dangwa kakausap ka lang ng suki dun pwede sila gumawa), cakes (pwede customized so own design mo), rings (pamilya kami ng alahas). Pwede na pala ako rumaket.
Tapos kung video at photos, may mga film majors ang tk, so no prob na, hahaha! Pati AVP kering-keri na.
Kaya pakasal na kayo!!!